Loading...

Abra - Ilusyon Lyrics

Ilusyon

[Chorus]
Nasan na ba ang pagbabago (San?)
Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon
Nakikipagplastikan pa
Bahala na kayo sa buhay nyo basta
Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
Wag nyo kong gagawing tanga

[Verse 1]
Ilang dekada na ba? Nakapagtataka na
Wala pa ring pagbabago nang pagkatagal na
Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa
Pagtakpan ang matagal nang halatang halata
Palakihan ng lote, paramihan ng kotse
Para 'di mangamote, bayanihan ng konti
Matapobre, talagang plastikan ang forte
Natutulog sa pansitan ang sandigan ng korte
Sakit sa lipunan, kayo ang ebidensya
(Sakit?) Oo pero ngayon ay epidemya
At sa Pilipinas ang mga elektibo
Ang nagpapakabibo at hindi epektibo
Puro salita, pero ni wala man lang pruweba
Magpapakapropeta para walang protesta
Sa nakaraang problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko, isang ilusyon

[Chorus]
Nasan na ba ang pagbabago (San?)
Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon
Nakikipagplastikan pa
Bahala na kayo sa buhay nyo basta
Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
Wag nyo kong gagawing tanga

[Verse 2]
Walang nakaisip ng nasa palagid
Mabaho, madumi at kadalasan mainit
Tambakan ng basura kahit na saang gilid
Ang trapik! Para bang kada kalsada makitid
Laganap na kotongan, sus Maria!
Mga driver tingin sa kanilang bus, tamiya
Bayarang kababaihan para boobs makita
Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita
Kapag umulan wag susubukan bumiyahe
Madalas ang pagbahang may lumulutang na tae
Sandamukal na problema pupuhunan daw sabi
Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyari
Ngayon sabihin niyo kung nasan diyan ang pagbabago
Baka nakasalamin akong pagkataas ng grado
Kasalukuyang problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko, isang ilusyon

[Chorus]
Nasan na ba ang pagbabago (San?)
Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon
Nakikipagplastikan pa
Bahala na kayo sa buhay nyo basta
Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
Wag nyo kong gagawing tanga

[Verse 3]
Marami mga kababayang habang buhay nang pagod
Pagkat hanap nang hanap ng hanapbuhay sa abroad
Iiwan ang pamilya para ang tagumpay maabot
Nakakumay ang sagot kaya ako ay nayamot
Di kayo makapagbigay ng mga trabaho
Kaya di dapat kinailangan na mangako
San ang pagbabago?
Taray naman, imbis na magbagong buhay, bagong bahay na lang
Habang maraming nagugutom at walang matirhan
At abot-kaya na gamot wala man lang mabilhan
Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan
Kayo ang boses ng taong di nyo kayang pakinggan
Magandang kinabukasan na orasan ko yon
Di ba dapat ngayon ang kinabukan noon?
Kinabukasan na problema ano ang solusyon?
Kung ang lahat ng nakikita ko, isang ilusyon?

[Chorus]
Nasan na ba ang pagbabago (San?)
Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan, ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel, pati ba naman ngayon
Nakikipagplastikan pa
Bahala na kayo sa buhay nyo basta
Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)
Wag nyo kong gagawing tanga (Wag nyo kong gagawing tanga)

Wag na wag, wag na wag!

Date Added: 2015-04-30
Comments
0 (1 votes)
Artist Information
Loading...