Ruben Tagalog - Dalagang Pilipina Lyrics | FAST DOWNLOAD

Dalagang Pilipina

Ang Dalagang Filipina
Parang Tala sa umaga.
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi`t dakilang ganda.
Maging sa ugali
Maging sa kumilos
Mayumi, Mahinhin, Mabini, ang lahat ng ayos.
Malinis ang puso
Maging sa pag-irog
May tibay at tining ang loob.
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak.
Sa mundo`y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis nang ligaya at galak,
Hantungan ng madlang pangarap,
Iyan ang dalagang Filipina,
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta.
Maging sa ugali
Maging sa kumilos,
Mayumi, Mahinhin, Mabini, ang lahat ng ayos.
Malinis ang puso
Maging sa pag-irog
May tibay at tining ang loob.
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak.
Sa mundo`y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis nang ligaya at galak,
Hantungan ng madlang pangarap,
Iyan ang dalagang Filipina,
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta.

Date Added: 2019-03-30
Comments
0 (1 votes)
Artist Information
Newest Lyrics