Ben&Ben - Kathang Isip Lyrics | FAST DOWNLOAD

Kathang Isip

`Di ba nga ito ang `yong gusto
O, ito`y lilisan na ako
Mga alaala`y ibabaonKalakip ang tamis ng kahapon

Mga gabing `di namamalayang
Oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag
Kung san man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama
Sa tuwing hawak ang iyong kamay
Ito`y maling akala
Isang malaking sablay

Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari`y dala lang ng
Pagmamahal sa iyo
Ako`y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang
Lalayo sa iyo
(Lalayo sa)

Gaano kabilis nagsimula
Gano`n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa
Upang `di na umasa ang pusong nag-iisa

Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari`y dala lang ng
Pagmamahal sa iyo
Ako`y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang
Lalayo sa iyo
(Lalayo sa)

Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
Na minsan siya`y para sa iyo
Pero minsan siya`y paasa
Tatakbo papalayo
Kakalimutan ang lahat
Ohhhhh...

Pero kahit san man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko sinta

Kaya pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari`y dala lang ng
Pagmamahal sa iyo
Ako`y gigising na
Mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang
Lalayo sa iyo
(Lalayo sa)

`Di ba nga ito ang `yong gusto
O, ito`y lilisan na ako

Date Added: 2019-01-12
Comments
0 (1 votes)
Artist Information
Newest Lyrics