Music Hero - KLWKN Lyrics | FAST DOWNLOAD

KLWKN

Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalanNating dalawa, nating dalawa

Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma`y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng `yong mga mata

`Pag ikaw ang kasabay, puso`y napapalagay
Gabi`y tumatamis tuwing hawak ko ang `yong kamay

Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na `king nararamdaman
Sa tuwing tayo`y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan, napalapit na rin sa iyo

Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa `ting halik

Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo akong tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Date Added: 2020-07-08
Comments
0 (1 votes)
Artist Information
Newest Lyrics